-- Advertisements --

Umaasa ang beteranong ekonomista na si House Ways and Means committee chairman Joey Sarte Saleda na magkakaroon ng epektibong polisiya ang susunod na administrasyon pagdating sa pagbubuwis upang sa gayon maipagpatuloy ang inaasahang magandang posisyon sa pagbabayad ng kasalukuyang utang ng gobyerno.

Sinabi ito ni Salceda matapos na iniulat ng Bureau of Treasury ngayong araw na sa pagtatapos ng 2021, ang outstanding debt ng national government ay nasa P11.73 trillion, na mas mabaab ng 1.7 percent kaysa P11.93 trillion na balanse noong katapusan ng Nobyembre 2021.

Sinabi ni Salceda na sa ilalim ng Duterte adminstration, pinabuti hindi laamng ang tax policy kundi pati na rin ang tax administration para gawing maayos ang tax collection sa bansa.

“I think we are still on strong footing, but the margin for error grows less when you have the kind of fiscal space we have,” ani Salceda.

Para sa kongresista, “manageable” pa naman ang debt levels na mayroon ang national government, subalit kailangan aniyang may gawing iba pang mga hakbang ang pamahalaan upang ilagay sa magandang posisyon ang bansa sa pagbabayad ng utang.

Una, kailangan aniya na mamuhuna pa lalo nang long-term at sa mga growth-creating programs tulad ng sa imprastraktura.

“Debt service will be 5.9% of GDP (2022), on the other hand. On that front, we clearly need to bring our long-term investments back to a healthy level versus our debt.  I am reassured by the statements of all major presidential candidates who want to keep the Build, Build, Build program,” dagdag pa niya.

Pangalawa, mahalaga rin aniyang matiyak na mapapanatiling mababa ang interest na binabayaran, tulad nang ginagawa ng kasalukuyang Treasurer ng bansa sa harap ng krisis na dinaranas sa nagyon.

Pangatlo, kailangan ding bantayan aniya ang schedule sa pagbabayad ng utang, lalo pa at sa 2023 ay magkakaroon ng malaking income tax cut, na aabot ng nasa 5 percent ng kinikita ng isang manggagawa.

Mahalaga kasi na mayroong sapat na pondo ang pamnahalaan para sa pagbabayad ng utang at para sa social services.

Kaya naman, nakikita ni Salceda na sa unang taon pa lang sa termino ng susunod na Pangulo ay kailangan nitong itaas ang buwis at pagbutihin ang tax administration sa pamamagitan nang pagkakaroon ng isang round pa nag reporma.