Inihayag ni Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella III sa budget deliberation ng Department of Agrarian Reform (DAR)na lalagdaan na ni
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang executive order na magpapatupad ng moratorium sa mga loan payment ng mga agrarian reform beneficiaries.
Sinabi ni Estrella na ang EO ay nakatakdang pipirmahan ng pangulo sa kanyang kaarawan sa darating na September 13.
Dagdag pa nito na may tiwala siya kay Pangulong Marcos Jr. dahil malaking tulong ito sa mga benepisyaryo kung saan ang pambayad dapat ng utang ay maaari nilang magamit na karagdagang capital.
Nanawagan din ang DAR chief sa mga kongresista na ipasa ang panukalang condonation ng land amortization fees ng mga agrarian reform beneficiaries.
Aniya, nakausap na niya ang ilang miyembro ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso at naniniwala siyang susuportahan nila ang panukala.