LA UNION – Nagpalabas ngayon ng Executive Order si Mayor Atty. Bellarmin Flores II sa bayan ng Rosario, La Union kaugnay ng pagpapasara sa mga establishimento sa paggunita sa Mahal na Araw.

Nakapaloob sa EO No. 36 series of 2020 ang utos ng local na pamahalaan na maisara muna ang lahat ng mga establishimento sa araw ng Huwebes o Maundy Thursday April 9 at Good Friday April 10 maliban lamang sa mga ospital, emergency facilities, pharmacies at gas stations.

Kabilang dito ang merkado publiko, supermarket, groceries, sari-sari stores.

Layunin nito na mag-ayuno sa Mahal na Araw at mabigyan rin ang mga empleyado ng pahinga.

Kaugnay nito, magbabalik operasyon naman ang local na pamahalaan sa araw ng Sabado April 11.