-- Advertisements --

Inanunsiyo ng environmental lawyer ng US na si Robert F. Kennedy Jr ang pagtakbo niya pagkapangulo ng US.

Sinabi nito ng magiging independent na kandidato ito sa pagkapangulo.

Nangangahulugan nito na tinatapos na niya ang hakbang para talunin si President Joe Biden sa Democratic primary.

Inanunsiyo nito ang kaniyang plano sa pagdalo niya sa isang pagpupulong sa Philadelphia.

Noong nakaraang linggo kasi ay naglunsad ang isang organisasyon na sumusuporta kay Kennedy para malaman ang kalakasan nito sa kampanya.

Dahil dito ay magiging tatlo na ang magkakatunggali sa pagkapangulo ng US ito ay sa pamamagitan nina Biden at dating US President Donald Trump.