ILOILO CITY – Idinaan ng environmental expert sa Bombo Radyo Philippines ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang imbestigahan ang deforestation na naging dahilan ng malawakang pagbaha sa Luzon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jean Talens, training officer ng Climate Change Network for Community Based Initiative, sinabi nito na ang totoong dahilan ng pagiging kalbo ng mga kabundukan ay ang mga malalaking logging projects at mga big time na mining concessions.
Ayon kay Talens, hindi dapat sisihin ang mga illegal settlers dahil kung tutuusin ay hindi kaya ng mga mahihirap ang magsagawa ng illegal logging activities.
Nagmungkahi naman ito sa gobyerno na dapat lagyan ng “ngipin” ang batas na nagbabawal sa pagputol ng mga kahoy sa kabundukan upang hindi na maulit pa ang malawakang pagbaha sa Luzon.










