CENTRAL MINDANAO- Isasara na umpisa ngayong araw April 01 ang lahat na mga entry at exit point sa bayan ng Makilala Cotabato.

Itoy bahagi ng Executive Order # 12 na inisyu ni Makilala Mayor Armando Quibod.

Wala ng pinapayagang pumasok sa bayan ng Makilala maliban lamang sa mga nagdedeliber ng Basic Commodities at mga Health Personnel.

Itoy bahagi ng pinaigting na kampanya ng LGU-Makilala laban sa Coronavirus Disease o Covid 19.