-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Malaki ang tulong ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon para mapigilan naman ang pagkalat ng African swine Fever (ASF) sa Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA)-Region 2, na dahil sa enhanced community quarantine ay limitado ang galaw ng mga tao maging sa transportasyon kaya nakokontrol din ang pagkalat ng ASF sa Isabela.
Katunayan aniya ay wala nang naidagdag na kaso ng ASF sa 15 bayan sa Isabela maging sa Cagayan.
Ayon kay Regional Director Edillo, maganda ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagmamando sa mga checkpoints para labanan ang pagkalat ng ASF at Coronavirus Disease 2019 (COVID 19).