-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating Arsenal soccer player na si Billy Vigar sa edad na 21.
Ayon sa nasabing koponan na nagtamo ng brain injury si Vigar sa isang laro na ginanap noong nakaraang linggo.
Nabangga niya umano ang pader sa kasagsagan ng laro ng Chichester City.
Dinala pa ito sa pagamutan at nanatili ng ilang araw subalit hindi na nakayanan pa niya ang tindi ng pinsalang natamo.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga iba’t-ibang manlalaro ng soccer matapos na lumabas ang nasabing balita.