Nakatakdang maglabas ang Department of Energy (DOE) ng tinatawag na energy storage system (ESS) policy sa darating na Pebrero 14.
Ito ay sa gitna na rin ng pagtaas ng renewable energy sa bansa na karamihan ay variables.
Tulad halimbawa ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra na kapag ang hangin ay humina, ang output para sa wind energy ay bababa din. Dito na papasok ang energy storage system na siyang magpupuno para sa kakulangan ng hangin.
Kaya’t kailangan aniya ng energy storage system na maaaring maging baterya, flywheel o popup water storage.
Makakatulong din ito sa transmission at distribution providers dahil kailangan nilang i-stabilize ang kanilang sistema at makakatulong ang battery energy storage sa problemang katulad nito.
Bukod sa pagpapabuti pa ng suplay ng enerhiya ng bansa, ang pangangailangan para sa energy storage system ay maghihikayat din ng pamumuhunan sa bansa.