-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ng isang senador ang ilang employer na hindi naglaan ng protective equipment sa kanilang mga tauhan na maituturing na frontliners.

Ayon kay Senate committee on economic affairs chairperson Sen. Imee Marcos, may mga natanggap siyang reklamo ukol sa ilang grocery stores na hindi man lang nagbigay ng face mask at iba pang hygiene kit.

Pero inoobliga umano ang mga trabahador na makiharap sa mga mamimili at gawin ang regular nilang trabaho.

Maging sa hanay ng mga security personnel ay may mga nagpaabot ng sumbong na hindi sila binigyan ng proteksyon sa panahon ng kanilang pagganap ng trabaho.

“One supermarket provided face masks only once and left workers to buy their own from then on. The security guards were given face shields but had to spend for their face masks,” wika ni Marcos.

Giit ng mambabatas, dapat agad itong siyasatin ng Department of Trade and Industry (DTI), pati na ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Giit ng mambabatas, ang frontliners ay obligasyon ng mga tanggapan na nakakasakop sa kanila para bigyan ng angkop na seguridad kontra sa COVID-19.