-- Advertisements --

NAGA CITY – Arestado ang isang employer sa isinagawang operasyon ng mga otoridad at ng pamunuan ng Social Security System (SSS) dahil sa umano’y hindi pagbibigay sa mga empleyado ng SSS benefits.

Sa pagharap ni Atty. Renato Jacinto Cuisia, SSS Acting Vice President, Operations Legal Service Divisions I and II sa media, sinabi nitong nahuli ang suspek na si Milagros Musca sa mismong bahay nito sa Barangay San Felipe, Naga City.

Mayroon aniya itong dalawang kasong non-registration of business at non-reporting of employees.

Ayon kay Cuisia, sa pamamagitan ng naturang operasyon nais nilang malaman ng publiko na seryoso sila sa kampanya sa pagdakip ng mga pasaway na employer.

Isa aniya ito sa binabantayan ng ahensya para matiyak ng Social Security Protection na naibibigay sa mga empleyado ang benepisyo na dapat nitong makuha.