-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dalawang government offices sa lungsod ng Davao ang mahigpit ngayong mino-monitor matapos na ilang mga empleyado ang nagpositibo sa Coronavirus.

Kahit na hindi sinabi ang bilang ng mga nahawa, kinumpirma ito ng administration office sa sangguniang panlungsod (SP).

Dahil dito, ipinag-utos na ng city health office (CHO) ang mga na-expose sa nasabing mga empleyado na mag-self-quarantine at bibigyan na lamang ng schedule kung kailan sasailalom sa test bago papayagan na makabalik sa kanilang trabaho.

Ayon kay Vice Mayor Sebastian Duterte, ito umano ang rason na isinara ngayon ang SP dahil nagsawa ng disinfection at ang lahat ng mga empleyado ay “working from home” simula kahapon.

Isasagawa ang test sa mga empleyado sa Oktubre 22 nitong taon.

Inihayag rin ni Mayor Sara Duterte-Carpio na may Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases rin na naitala sa hall sa justice.

Ngunit hindi rin sinabi ng mayor kung ilang mga empleyado ang nagpositibo.

Kahit na ang CHO ang nagbibigay ng rekomendasyon kung ano ang mga dapit gawin, hindi umano sila makapagbigay ng recommendations sa hall of justice na magpatupad ng work-from-home scheme sa kanilang mga empleyado dahil sakop ito ng Supreme Court (SC).