CENTRAL MINDANAO- Isang 26 anyos na lalaki mula sa Cotabato City ang ika-17 na coronavirus disease (COVID-19) na pasyente sa Rehiyon 12 ang nagpositibo pagsusuri sa nakakahawang sakit

Sinabi ng Department of Health sa Soccsksargen region na nakatakdang ilabas ang numero ng pasyente.

Ang biktima ay isang kawani ng pamahalaan at nasa maayos na kondisyon.

Wala siyang kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng positibo ng COVID-19.

Ang mga kaibigan, pamilya at kasama sa trabaho na pasyente ay kaagad isinailalim sa 14 day quarantine.

Inilahad din ngayon ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang apela ng lokal na pamahalaan ng siyudad sa publiko na manatili sa bahay, gumamit ng face mask, araw-araw na hugasan ang kamay at sundin ang mga patakaran at gabay ng task force on Covid 19.