-- Advertisements --
image 130

Nakatakdang bumisita ngayong buwan sina Japanese Emperor Naruhito at Japanese Empress Masako sa bansang Indonesia.

Itinakda ang naturang state visit sa darating na Hunyo 17 hanggang 23 ng taong kasalukuyan kasunod ng naging imbitasyon sa kanila ni Indonesian President Joko Widodo nang bumisita noon ang dalawa sa Tokto noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na inaasahang mas pagtitibayin pa ng aktibidad na ito ang relasyon at pagkakaibigan ng Japan at Indonesia.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasagawa ng state visit ang dalawang matataas na opisyal ng Japan sa nasabing bansa mula nang maupo sila sa mga Chrysanthemum Throne bilang Emperor at Empress noong taong 2019.

Habang ang pagdalo sa libing ni Queen Elizabeth II sa London naman ang kanilang unang pagkakatan na bumyahe abroad mula nang maluklok ang mga ito sa trono.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay una na ring inimbitahan ni Kishida si Widodo na dumalo sa Group of Seven summit sa Hiroshima, Japan, na dinaluhan din ng iba pang mga leader mual sa iba’t-ibang mga bansa.