Sanhi umano ng pag-back out ni Emma Thompson sa pelikulang “Luck” ay dahil kay former Pixar animation executive at bagong head ng Skydance Media John Lasseter, ang production company ng nasabing pelikula.

Kung ipapaalala umalis si Lasseter sa Pixar matapos itong akusahan ng sexual misconduct.

Ayon kay Thompson, hindi niya raw nanaisin na makatrabaho ang taong nambabastos ng kababaihan lalo na kung ang tanging rason lamang na itigil niya ang ganitong gawain ay dahil nakasaad ito sa kontrata.

Naging kabilang ang award winning na si Emma sa mga Hollywood films tulad ng “Harry Potter,” “Men In Black 3,” “Beauty and the Beast” at marami pang iba. (with report from Bombo Sol Marquez)