-- Advertisements --

Kinasuhan ng American rapper na si Eminem ang Australian beachwear company na ‘Swim Shady’.

Ayon sa rapper na ang nasabing pangalan ay trademarked na rap pseudonym niya na Slim Shady.

Noong Seteyembre ng isinampa ni Marshall B Mathers III sa tunay na buhay ang petition sa US Patent and Trademark Office na nanawagan na kanselahin ang pangalan na iginawad sa kumpanya.

Dagdag pa ng 53-anyos na rapper na tila nagkakaroon ng “false association” ang Sydney-based brand kay Eminem.

Giit naman ng kumpanya na kanilang idedepensa ang kanilang mahalagan intellectual property.