Kasunod ng pagdedeklara ng Department of Health (DOH) ng National Dengue Epidemic, naglaan ng emergency loan ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga miyembro nito.
Aabot sa higit P630-milyon ang pondong inilaan ng GSIS para sa mga members nitong nakatira sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue.
May deadline na hanggang September 20 para mag-file ang miyembro mula Samar province at mga bayan ng Pontevedra at Sigma sa Capiz.
Hanggang September 22 naman sa Sofronio Española sa Palawan.
Ayon sa GSIS, maaaring mag-avail ng P20,000 loan ang mga members na walang existing emergency loan pati na ang old-age pensioners.
“Those who have not yet fully paid their emergency loan may apply for a P40,000 loan, from which the outstanding balance will be deducted.”
“Old-age pensioners must file their application over the counter to safeguard their identity. If they are also active members, they may apply for the loan only once.”
Para makapag-avail ng loan, ayon sa GSIS kailangan residente ng calamity-declared area ang aktibong miyembro, hindi naka leave of absence without pay at walang nakabinbin na utang sa iba pang social insurance.
Dapat din na may minimum net take-home pay ang mga ito na P5,000 kapag natapyas na ang buwanang premium contributions at loan amortizations.