-- Advertisements --
download 4

Inihayag ni Elon Musk na maraming ang dati nang sinuspinde na Twitter account ang papayagang bumalik sa platform pagkatapos ng landslide ng mga user na tumugon sa isang informal poll ng bagong may-ari na bumoto na pabor sa paglipat nito.

Ang anunsyong ito ay habang si Musk ay nahaharap sa pushback na ang kanyang pamantayan para sa pag-moderate ng nilalaman ay napapailalim sa kanyang personal na kapritso, na kung saan ang mga muling pagbabalik ay napagpasyahan para sa ilang mga accounts

Sa 3.16 million na mga respondents sa tanong ng poll ni Musk 72.4 percent ang nagsabi na dapat payagan ng Twitter ang mga nasuspindeng account na bumalik sa Twitter hangga’t hindi sila lumabag sa mga batas ng nasabing application.

Dagdag dito, ito ay ang parehong uri ng “yes or no” na informal poll ng mga gumagamit ng Twitter na ginawa ni Musk upang magpasya na pabor sa pagpapanumbalik ng dating pangulong si Donald Trump sa platform.

Kung maaalala, ang Twitter account ni Trump ay naibalik matapos ang isang maliit na mayorya ng mga sumasagot sumuporta sa mga nasabing hakbang.

Bukod dito, habang si Musk ay may 118 million followers, marami sa 450 million na gumagamit ng Twitter ay maaaring hindi kailanman nakita ang tanong sa poll.

Una rito, ang isang amnestiya para sa mga nasuspindeng account ay maaaring mag-alarma sa mga awtoridad ng gobyerno na patuloy na nagmamasid sa pangangasiwa ni Musk sa mapoot na pananalita mula noong binili niya ang maimpluwensyang platform sa halagang 44 billion US dollar.