Reading Time: 1 minute

Ipinagtanggol ni Ellen DeGeneres ang kaniyang pakikipagkaibigan kay dating US President George W. Bush.

Ito ay matapos na makita ang dalawa na magkatabi sa isang football game ng Dallas Cowboys-Green Bay Packers nitong nakalipas na araw.

Isa kasi ang dating Republican president na komokontra sa gay marriage noong ito ay pangulo pa na siyang dahilan kaya binabatikos ang sikat na TV host.

Ayon kay Ellen, kaibigan niya ang sinuman kahit na magkaiba ang kanilang paniniwala.

Magugunitang binatikos ng kaniyang mga fans ang kumalat na larawan ni Ellen na katabi ang dating pangulo habang nag-e-enjoy sa panonood ng football games.