-- Advertisements --

Usap-usapan ngayon sa social media ang estado ng reslasyon nina Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos ang cryptic posts ni Ellen ng ilang makahulugang mensahe sa Instagram.

Isa sa kanyang mga post ay tumatalakay sa hirap ng mga babaeng dumaraan sa postpartrum at kung paano sila minsang tinatawag na ”crazy” o baliw, na ikinokonekta ng mga netizen sa mga tsismis ng hiwalayan.

Nagbahagi rin si Ellen ng quote na nagsasabing, “You can’t destroy the mother of your children and then tell me you’re a good father,” na lalo pang nagpasiklab sa mga espekulasyon.

Sa kabila nito, agad pinabulaanan ni Derek ang mga tsismis sa pamamagitan ng Instagram Story, kung saan sinabi niyang, “Showbizlife stop spreading lies about my family. Lily is my daughter and Ellen is a loyal wife!”

Bagama’t kapwa nananatiling tahimik ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, patuloy ang espekulasyon ng publiko lalo na’t kamakailan lang ay bumiyahe mag-isa si Derek patungong Bali para sa isang self-improvement retreat.

Hanggang ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa mag-asawa kung may pinagdadaanan nga ba sila.