Matapang na nilantad ni Ellen Adarna ang tungkol sa umano’y panloloko ng kanyang asawa na si Derek Ramsay matapos niyang ibahagi ang mga cryptic-post sa kanyang Instagram na naglalahad ng umano’y pangangaliwa ng aktor.

Ayon kay Ellen, nalaman niya ang umano’y pagtataksil ni Derek tatlong linggo na ang nakalipas, na nagdulot sa kanya ng kawalan ng tiwala sa asawa.
Una rito ang pagbahagi niya ng mga screenshot ng mensahe mula sa isang insidente noong 2021 na umano’y kinasangkutan ng aktor.
‘I found out about it 3 weeks ago, may nagsumbong sakin,’ paliwanag nito sa isang fans na nagtanong.
Dagdag pa ng aktres na walang kinalaman dito ang mga ex-girlfriends ni Derek kung saan naniniwala siyang isang ”side-chick” ang pinatulan ng asawa.







Samantala wala pang pahayag si Derek hinggil sa akusasyon ng asawa.


Matatandaan na ang dalawa ay may anak na babae na si Lily, at matagal nang usap-usapan ang tungkol sa kanilang hiwalayan dahil sa kakulangan ng public appearances ng dalawa sa social media at mga cryptic posts ng aktres na nagmumungkahing may problema ang kanilang relasyon.














