-- Advertisements --
Itinanggi ng actress na si Ellen Adarna na hiwalay na sila ng asawang si Derek Ramsay.
Kasunod ito sa lumabas na usapin na kapwa-nag-unfollow ang dalawa sa kanilang Instagram account.
Sa kaniyang social media account ay ipinakita nito ang screenrecording niya ipinakita na naka-follow pa rin ito sa actor.
Nilinaw ito na maaring nagkaroon ng problema ang kaniyang IG kaya hindi makita ng ilang followers ang pangalan ng actor.
Magugunitang lumabas ang usapin na nagkaroon ng paghihiwalay at problema sa kanilang pagsasama ang dalawa ng mapansin ng mga fans ang pag-unfollow nila sa kapwa isa.
Nanawagan ang actress na tigilan na ang pagpapakalat ng mga pekeng balita.