ILOILO CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang elementary teacher na nahuli sa drug buy bust operation sa Calajunan Mandurriao Iloilo City.

Kinilala ang suspek na si Jonaseth Aguirre, 45-anyos, Teacher I ng A. Mirasol Memorial Elementary School sa Q. Abeto Mandurriao, Iloilo City at residente ng Sta.Cruz, Arevalo, IloIlo City.

Si Aguirre ay nahuli sa pinagsanib na pwersa ng City Drug Enforcement Unit, Arevalo at Mandurriao Police Station Drug Enforcement Team.

Nakuha sa guro ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu at P5,000 na buy-bust money.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Aguirre, sinabi nito na nagulat na lang siya nang pasukin ng mga operatiba ang kanyang bahay sa pamamagitan ng pagbasag ng kanilang jalousie.

Itinanggi naman ng guro na sa siya ang nagmamay-ari ng nasabing mga buy-bust item.

Inakusahan ni Aguirre, ang mga operatiba na nagnakaw ng kanyang telebisyon at iba pang mga mamahaling gamit kasabay ng isinagawang buy bust operation.