CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa maiuugnay ng pulisya sa anumang posibilidad na election related incident ang pagkasunog ng ilang classrooms
ng Poona Piagapo Central Elementary School, Old Poblacion sa bayan ng Poona Piagapo, Lanao del Norte.
Ito ay dahil patuloy pa ang ginawa na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kaugnay sa pagkasunog ng paaralan na unang sumiklab kaninang madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na batay sa inisyal na BFP investigation na umano’y ‘electrical overload’ ang dahilan ng sunog.
Aniya,batay na rin ito sa ilang mga residente na nakasaksi sa nabanggit na pangyayari.
Bagamat hindi nadanyos ang election materials na gagamitin sa paglunsad ng BSKE at una ring tiniyak ni Commission on Elections chairman George Erwin Garcia na tuloy ang halalan sa nasabing bahagi ng paaralan.
Magugunitang sa nagdaang Setyembre 2023,nagtala ng tatlong kompirmadong kaso ng election related incidents sa probinsya at sa kanila rin nagmula ang kaisa-isang red category partikular sa Barangay Raraban na sakop sa bayan ng Nunungan.