Inaasahang makapaghahatid ng 40,000 na trabaho para sa mga Pilipino ang industriya ng Electric Vehicle sa mga susunod pang taon.
Ayon kay Department of Energy Secretary Raphael Lotilla, ito ay batay na rin sa patuloy na paglago ng naturang industriya, kabilang ang produksyon o manufacturing, at technology support.
Ayon kay Sec. Lotilla, ang 40,000 na trabaho ay magsisilbing ambag ng Electric Vehicle sa paglago nito, kasunod na rin ng lumulubong suporta ng mga Pilipino.
Batay aniya sa binuong roadmap ng naturang ahensiya, maliban sa mga kasalukuyang motorsiklo, sasakyan, at iba pa na nasa merkado, maaari ring magkaroon na ng iba pang modelo sa hinaharap.
Ayon pa sa kalihim, patuloy ngayon ang ginagawang research at human resource development upang lalo pang mapagbuti ang estado ng naturang sektor.
Una nang binigyang diin ng naturang ahensiya ang pagnanais nitong mapalawak ang paggamit ng EV dahil sa umano’y mas episyente at mas malinis ito kumpara sa ibang mga sasakyan na gumagamit ng petrolyo.