-- Advertisements --
image 391

Pabor ang Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) na bigyan ng mga insentibo ang mga electric motorcycle at electric vehicle users sa bansa, kasama na ang produksyon nito.

Ayon kay EVAP President Edmund Araga na ang pagbibigay ng insentibo para sa mga electric motorcycles ay makakatulong para mapataas pa lalo ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa Electric Vehicles.

Pangunahin sa kanyang rekomendasyon ay ang mga gumagamit ng mga electric motorcycles, lalo na at ang mga ito ang nangunguna pa ring mode of transportation sa bansa.

Batay sa kasi Philippine Statistics Authority o PSA. mayroong 7.81 million na motorsiklo at mga tricycle na nakarehistro sa buong bansa, kumpara sa 1.27 milyon na rehistradong pribadong sasakyan.

Ani Araga, tiyak na lalo pang tatangkillikin ng mga commuters ang mga e-bike at e-vehicles dahil kung mabibigyan ang mga ito ng insentibo, maliban pa sa mas malinis gamitin ang mga ito, kumpara sa mga gumagamit ng mga regular fuel.

Kabilang sa mga posibleng insentibo na maaaring maibigay ng pamahalaan ay ang mas mababang tax sa pagbili, at produksyon sa mga ito.