-- Advertisements --
image 149

Nais ngayon ng kilalang election lawyer na si Atty. Romula Macalintal na agad aksiyunan ng Supreme Court (SC) ang kanyang petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng halalan na isasagawa sana sa Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Macalintal, naghain ito ng extremely urgent motion sa Korte Suprema upang igiit ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SC) elections ngayong 2022.

Kasama sa kanyang mosyon ang hirit sa Korte Suprema na atasan ang Commission on Elections (Comelec)na ipahinto ang RA11935 o ang batas na nagpapaliban sa halalan sa dating planong Setyembre at ipinagpaliban sa Oktubre 2023.

Dapat din umanong atasan ang komisyon na ituloy ang kanilang calendar of activities at iba pang mga paghahanda sa halalan.

Ito ay dahil nakagastos na rin naman ang Comelec sa paghahanda sa halalan.