-- Advertisements --
Asahan ang mainit na panahon sa araw ng halalan sa Lunes, Mayo 9, 2022.
Ayon sa Pagasa generally fair weather ang ipinapakita ng kanilang Himawari data, maliban sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.
Sa kasalukuyan kasi ay walang aktibong sama ng panahon na malapit sa Pilipinas.
Sa ngayon ay easterlies lamang ang umiiral o ang mainit na hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean.
Posible naman ang thunderstorm sa Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao region sa pagsapit ng hapon at gabi.