Dalawang araw bago ang halalan 2019 ay namahagi ang religious group na El Shaddai ng mga sample ballot na may nakalista ng mga kandidatong kanilang susuportahan sa eleksiyon sa Lunes.

Kabilang sa nakalagay sa sample ballot ang kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila na si Isko Moreno.

Ayon kay Mel Robles, ang tagapagsalita ni Brother Mike Velarde ng El Shaddai, ito ay para himukin ang kanilang mga kapanalig na isama sa balota ang mga kandidato na iniendorso ng kanilang sekta.

Samantala, nabatid sa isang mapagkakatiwalaang source na malapit kay dating Manila Mayor Alfredo Lim na na ano mang oras ay magdedeklara na rin ito ng suporta sa kandidatura ni Isko Moreno.

Matatandaang si Lim ang naging mahigpit na katunggali noong mga nakaraang eleksiyon ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Pangunahin sa plataporma ng tinaguriang Batang Maynila na si Moreno ay ang maiahon mula sa pagkakalugmok ang Maynila na napag-iiwanan na ng mga karatig lungsod.

Katandem ni Moreno si Honey Lacuna bilang Vice Mayor Tungo sa bagong Maynila.