-- Advertisements --
Department of Agriculture DA at Bureau of Plant and Industry Region 1 patuloy ang pakikipag ugnayan sa mga Local Government Units sa isinasagawang monitoring ng ani ng sibuyas

Ni-reactivate ng Department of Agriculture (DA) ang inter-agency task force on El Nino para makapaghanda para maibsan ang epekto nito laban sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, nakatutok ang naturang task force sa streamlining ng mga pondo para sa mga proyekto, paglalagay ng irigasyon at pag-conserve ng tubig kapag tumama ang long dry season sa bansa.

Ilan pa sa kanilang gagawing hakbang ay ang paglalagay ng karagdagang water-related infrastructure gaya ng hydroelectric power plants, flood control projects at irrigation systems.

Ayon pa sa DA official, naglaan ng mahigit P750 million na pondo para sa small-scale irrigation projects at iba pang mga proyekto na tutugon sa patubig.

Si DA Senior undersecretry Domingo Panganiban ang magiging chairman ng task force habang magiging miyembro dito ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya at attached offices ng DA.