-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi isasara sa mga turista ang buong El Nido, Palawan kahit nasa ilalim ito ng rehabilitasyon.

Kaugnay nito, kinumpirma ni DILG Usec. Epimaco Densing III na tanging Bacuit Bay lang ang pagbabawalan ng gobyerno sa mga turista para mag-swimming.

Naitala kasi na mas malala ang algae content o dumi sa tubig ng naturang bahagi ng karagatan kumpara sa Boracay Island.

Sa ilalim ng closure recommendation ng Department of Interior and Local Government (DILG), nakasaad ang pansamantalang pagpapasara sa operasyon ng tatlong barangay sa Bacuit Bay at isa sa Corong-Corong Beach sa El Nido.

Binigyan lamang ng 20 araw ng DILG ang mga opisyal para maka-comply sa kautusan.