-- Advertisements --
WPS

Tinitignan na raw ng mga eksperto kung posibleng makapagsagawa ang Pilipinas ng maritime patrols sa West Philippine Sea kasama ang ibang bansa.

Ayon sa mga maritime security expert, kasunod na rin ito ng tensiyon pa rin sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni retired Rear Admiral Rommel Jude Ong na ang pagsasagawa ng maritime operations kasama ang mga kaalyadong bansa o partner countries ay “feasible.”

Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng constant communication sa ibang gobyerno.

Kabilang din dito ang pagsunod sa parehong taktika para madaling mag-operate jointly at multilaterally.

Paliwanag pa ni Ong, restricted daw kasi ang capabilities ng bansa dahil sa limitadong resources kaya kailangan talagang makipag-partner sa ibang bansa.

Pero ang joint maritime activities sa West Philippine Sea ay nakadepende pa rin daw sa desisyon ng kasalukuyang administrasyo at foreign governments.

Hinimok naman ng geopolitics expert at Stratbase ADR Institute non-resident fellow Richard Heydarian ang Philippine government na i-maximize ang diplomatic relations sa Australia.

Sinabi ni Heydarian na ang parehong bansa ay mayroogn robust counter terrorism at conflict resolution noong mga nakaraang dekada.

Una rito, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang pinakahuling insidente na kinasasangkutan ng Filipino fishing boat at China Coast Guard vessel (CCGV) sa Ayungin Shoal noong Enero 9.

Patuloy daw ang pagkalap ng coast guard g ebidensiya at mga impormasyon na ipapadala sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kapag kakailanganin daw ang mga ito ay puwede namang gamitin ng DFA para maghain ng kaukulang diplomatic action.

Binanggit na rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang isyu ng mga Filipino fishermen sa West Philippine Sea sa kanilang bilateral meeting kasama si Chinese President Xi Jinping noong Enero 4.

Ayon kay Pangulong Marcos napagkasunduan daw ng dalawa na maghanap ng measures na magiging beneficial sa mga Filipino fishermen.