Malayo pa sa pre-COVID-19 pandemic levels ang ekonomiya ng Pilipinas, base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay kahit pa nakaahon na ang Pilipinas sa recession sa second quarter ng 2021 makalipas ang limang magkakasunod na quarters na negative growth.
Ayon sa PSA, lumago ng 11.8% ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong Abril hanggang Hunyo, pinakamataas na quarterly reading sa nakalipas na 32 taon.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa tinatayang P8.9 trillion kasi ang constant prices sa first half ng GDP, na mas mataas ng 3.7% kaysa P8.6 trillion sa first half ng noon namang 2020.
Ang naitalang constant prices sa first half ng 2021 ay mababa ng 6 percent kumpara sa first half ng 2019 na pumalo pa ng hanggang P9.4 trillion.