-- Advertisements --

Sa kabila ng dalawang magkasunod na quarter ng positive growth, malayo pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas sa pre-COVID-19 pandemic levels, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, lumago sa 7.1 percent ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa third quarter ng taon pero mas mabagal kumpara sa 12 percent growth na naitala naman noong second quarter ng 2021.

Sa kanilang tantiya, aabot ang GDP ng bansa noong third quarter ng kasalukuyang taon sa P13.32 trillion.

Ito ay 5.7 percent na mas mababa kaysa P14.1 trillion na naitala sa unang siyam na buwan naman noong 2019.

Para kasy Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, posible pa rin namang makabalik sa pre-pandemic levels ang ekonomiya ng bansa sa first quarter ng 2022.

Ito ay kung wala nang hindi inaasahan na bagong risks, tulad na lamang ng mas malakas na variant ng COVID-19 virus o global surge.