Lumago umano ng 7.4 percent ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ayon sa state statistics bureau.
Kasunod ito ng binagong 8.2 porsiyentong gross domestic product (GDP) growth rate na nai-post sa unang quarter ng taon.
Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ito na ang ika-limang magkakasunod na quarter ng paglago mula nang bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa kasagsagan ng pandemya.
Noong nakaraang taon, ang rate ng paglago ng GDP ng bansa ay bumangon sa 12 porsiyento matapos bahagyang lumuwag ang mga paghihigpit sa COVID-19.
Noong 2020, naitala naman ang makasaysayang pagbaba ng ekonomiya sa -16.9 percent dahil maraming mga industriya at sektor ang nagsara upang pigilan ang pagkalat ng sakit.
Sa ngayon, inaasahan ng mga economic manager na lalago ang GDP sa pagitan ng 6.5 porsiyento hanggang 7.5 porsiyento sa taong ito, pababa mula 7 porsiyento hanggang 8 porsiyento sa gitna ng tumataas na inflation at mga interest rates.