-- Advertisements --
Diokno1

Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na mas gaganda o mas mabilis ang economic performance ng bansa sa second half kumpara sa first half ng 2023.

Base na rin aniya ito sa judgment ng International Monetary Fund.

Paliwnag pa ng kalihim na historically sa ikaapat na quarter kung saan isinasagawa ang karamihan sa proyekto sa imprastruktura.

Sa kasalukuyan, kailangan ng ekonomiya ng bansa na lumago ng 6.6% sa second half ng taon para makamit ang target ng pamahalaan.

Una rito, bumagal ang paglago ng ekpnomiya ng bansa sa 4.3% noong 2nd quarter na nagresulta sa 5.3% na gross domestic product growth ratesa first half ng 2023.