-- Advertisements --

Payag si Senator JV Ejercito na muling buksan ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang transaksiyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation sa 19th Congress.

Ayon sa Senador, dapat na muli itong imbestigahan kung ito ay may kinalaman sa public funds.

Subalit naniniwala naman si Senator JV na hindi sangkot si outgoing President Ferdinand Marcos Jr sa naturang isyu salungat sa inilabas na draft report ng Senate Blue Ribbon committee.

Giit ng Senador na sa ilang taong pagkakakilala ng Senador sa Pangulong Duterte na kaniyang kaibigan ay napakasimple lamang ng lifestyle nito at maaaring may mga nakapaligid sa Pangulo ang nagsamantala.

Magugunita na naungkat sa isinagawang imbestigasyon sa pangunguna ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa paglilipat ng nasa P42 billion para sa COVID19 funds mula sa Department of Health sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Inimbestigahan ng Committee ang pagbili ng PS-DBM ng P8.6 billion na halaga ng face mask , face shields at personal protective equipments mula sa Pharmally.

Noong nakalipas na Huwebes, June 2 ay pinalaya mula sa Pasaya City Jail matapos ang anim na buwan na pagkakakulong ang mga opisyal ng pharmally na sina Mohit Dargani at Linconn Ong dahil sa pagtanggi na sabihin kung nasaan ang mga dokumento hinggil sa financial statements ng kompaniya na nirequaest sa imbestigasyon ng blue Ribbon.

Nauna na ring inihayag ni Senator Risa Hontiveros na willing itong maghain ng resolution sa susunod na Kongresi para sa panibagong imbestigasyon sa naturang isyu.

Nauna na ring inihayag ni Senator Risa Hontiveros na willing itong maghain ng resolution sa susunod na Kongresi para sa panibagong imbestigasyon sa naturang isyu.