-- Advertisements --

Pormal na ng naibalik sa national team si Filipino pole vaulter EJ Obiena.

Ayon sa Philippine Sports Commission, karamihan sa mga board of directors ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) ang bumuto at sumang-ayon sa pagbabalik sa puwesto ni Obiena sa national team.

Magiging epektibo naman ngayong buwan ang desisyon ng pederasyon.

Nagpasalamat naman si PSC officer-in-charge Bong Coo sa PATAFA dahil sa desisyon nila.

Magugunitang noong Enero ay tinanggal sa national team si Obiena dahil sa problema umano sa liquidation ng allowance nito mula sa gobyerno.