-- Advertisements --
Patuloy sa kanyang pamamayagpag si EJ Obiena sa Europo at sa pagkakataong ito ay panalo na naman siya sa torneyo sa 2022 Golden Fly Series Liechtenstein.
Ito ay makaraang mamayani ang dating Pinoy Olympian sa men’s pole vault nang malampasan niya ang 5.71 meters upang talunin ang lima pang mga kalaban.
Ang Golden Fly Series na kompetisyon ay ang huling event para kay Obiena sa ikalawang season niya kung saan limang titulo na ang kanyang naibulsa.
Pumangalawa naman kay Obeina si Olen Tray Oates ng United States.