-- Advertisements --
Nangibabaw si EJ Obiena sa Internationales Stadionfest (ISTAF) nitong Linggo sa Olympiastadion sa Berlin, Germany.
Malinis nitong natapos ang 5.92 meters sa kaniyang ikatlong attempt.
Nahigitan niya si Sondre Guttormsen ng Norway na ito ay nabigo sa ikatlo niyang pagtatangka.
Nasa pangalawang puwesto ang pambato ng Norway habang pangatlong puwesto naman si KC Lightfoot ng US na mayroong 5.82 m sa kaniyang ikatlong pagtatangka.
Itinuturing na ito ang pagbabalik ni Obiena matapos na mabigo ito sa Zurich Leg ng Diamond League na ginanap nitong Huwebes.