Nanguna si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa mga atleta nasasabak sa World Athletics Indoor Championships na gaganapin sa Poland.
Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing torneo matapos na hindi siya nakasama noong nakaraang taon dahil nabigo itong ma-qualify.
Naniniwala ito na kaya niyang magtagumpay ngayong taon matapos na paghandaan ang nasabing torneo.
Kagagaling lamang ni Obiena sa ISTAF Indoor sa Berlin kung saan nagwagi ito ng gintong medalya.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ng Philippine Athletics Track and Field Association na makakasama ni Obiena sina World number 12 pole vaulter John Cabang Tolentino na sasabak sa 60 meters hurdles habang sina Jessica Laurance at Zion Corrales Nelson ay lalahok sa 60-meter dash.
Magsisimula ang World Athletics Indoor Championshi sa Marso 20.















