-- Advertisements --
Nakapagtala ng bagong record si Filipino pole vaulter EJ Obiena matapos ang kaniyang tagumpay sa Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.
Nagwagi ito ng gold medal sa 5.80 meter clearance.
Nahigitan ng 25-anyos na si Obiena ang 5.92 meter record na naitala ni Igor Potapovich ng Kazakhstan noong 29 taon na ang nakakalipas.
Mayroong nakaraang record kasi si Obiena na 5.91 meters na kanyang naitala dalawang linggo na ang nakakalipas sa Paris Diamond League kung saan nag-uwi ito ng silver medal.
Nasa pang-apat na puwesto naman ang kaniyang nakamit sa ginanap na Diamond League final sa Zurich, Switzerland.