-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang dahilan kung bakit hindi na ito makakasali sa Asian Indoor Athletics Championships na gaganapi simula Pebrero 10 hanggang 12 sa Kazakhstan.

Dahil dito ay wala na siyang tsansa na muling mabasag ang kaniyang sariling continental indoor record na 5.93 meters.

Isa sa naging dahilan aniya ay hindi pinayagan ng airline company na isakay ang kaniyang pole na gagamitin sa kumpetisyon na siyang naging sanhi ng hindi na niya pagtuloy sa torneo.

Ibinunyag din nito na umabot na isang taon na hindi pa nababayaran ang kaniyang koponan kaya nagbanta ang mga ito na aalis sa na lamang.

Sa panig naman ng Philippine Sports Commission ay nakipag-ugnayan na ang kanilang pangulo na si Dickie Bachmann kay Obiena para maresolba ang problema.