-- Advertisements --
Nagpasya na ang Egypt na mag-suplay ng mga armas sa Ukraine.
Ito ay matapos ang kumalat na sensitibong dokumento sa Pentagon na sekretong gumagawa si Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi ng nasa 40,000 rockets para sa Russia.
Dahil sa nasabing pagkalat ng impormasyon ay hindi na ito itinuloy ng Egypt na itinanggi naman nila ang ulat.
Inaprubahan na ng Egyp ang pagbebenta ng mga artillery ammunitions sa US na siyang ibibigay naman nila sa Ukraine.
Magugunitang mainit ang pakikipag-ugnayan ng Egypt sa Russia kahit na ito malapit rin sa US.