-- Advertisements --
Nangako si VP Sara Duterte na kaniyang wawaksana ng palakasan system sa hiring ng Department of Education (DepEd).
Sa naging talumpati ng Bise-Presidente sa Negros Occidental Schools Division, sinabi ng Duterte na siy ring Education Secretary, na ang ganitong klase ng sistema ay nagsara ng pintuan para sa mga magagaling, deserving at kwalipikadong mga aplikante.
Kaugnay nito sinabi ni VP Sara na sa pamamagitan ng automated system na dinidevelop ng DepEd matitiyak ang isang objective selection process para sa hiring at promotion ng mga kawani ng ahensiya.
Ang palakasan system o nepotismo ay ang gawain ng isang nanunungkulan o may kapangyarihang tao na pagpabor o paglalaan ng posisyon sa malalapít na mga kamag-anak at mga kaibigan.