Handang-handa na ang mga pasilidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa Pilipinas para sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa Philippine Area of Responsibility.
Ito ay sakaling kailanganin ng mga otoridad na magsagawa ng Humanitarian and Disaster relief operations para sa inaasahang magiging epekto nito sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Medel Aguilar, sa ngayon ay kumpleto na ang mga proyekto sa orihinal na limang EDCA sites.
Habang nakalatag na rin aniya ang mga planong proyekto para sa apat pang mga bagong sites.
Tatlo sa mga ito ay nakumpleto na sa Basa Air Base, at dalawa naman sa mga nakumpletong proyekto ay sa Antonio Bautista Air Base sa Palawan.
Samantala, bukod sa mga ito ay iniulat din ng opisyal na kabilang din sa mga nakumpletong proyekto ay ang command and control fusion center, HADR warehouse at fuel storage facilities.
Aniya, maaaring gamitin ang HADR warehouse para sa pag pre-position ng mga relief goods, tuwing may nagbabantang bagyo.