Kinumpirma ng British singer na si Ed Sheeran na ikinasal na ito sa kanyang kababata.

Ang pag-amin na ito ni Sheeran ay nangyari sa isang panayam sa kanya tungkol sa bago nitong collaboration album.

Kuwento ng 28-year-old “Thinking Out Loud” hitmaker, nagpakasal na raw sila ni Cherry Seaborn habang tinatalakay nito kina Eminem at 50 Cent ang lyrics ng panibago nitong kanta na “Remember My Name,” kung saan tinawag nito bilang kanyang “wife” ang kanyang fiance.

“Watch how the lyrics in the songs might get twisted / My wife wears red, but looks better without the lipstick,” saad sa lyrics.

Ani Sheeran, naisulat na raw niya ang naturang mga lyrics bago nila gawing opisyal ang kanilang pag-iisang dibdib.

-- Advertisement --

“It was actually before me and Cherry got married, and I knew that we’d be married by the point that the song came out,” wika ni Sheeran. “Someone’s gonna hear that and be like, ‘Oh, they’re married!’ I didn’t know how that would be construed, but obviously it’s already come out.”

Noong Enero 2018 nang nakuha ni Sheeran ang matamis na “oo” ni Seaborn.