-- Advertisements --

Patay matapos barilin si Eucadorian Olympic sprinter na si Alex Quiñonez.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad natagpuan ang bangkay ng 32-anyos na sprinter at isa pang kasama nito sa Guayaquil, Ecuador.

Kapwa may tama ang mga ito ng tama ng bala.

Hindi pa malaman ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Tiniyak naman ni Ecuadorian President Guillermo Lasso na kaniyang bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang atleta.

Ito na ang pangalawang pagkamatay ng international atheletes na ang una ay si Kenyan distance runner na si Agnes Tirop.