Nagdeklara ng 60 araw na state of emergency ang Ecuador sa kanilang mga piitan.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng serye ng karahasan na nag-iwan ng 18 presong nasawi.
Nasa 2,700 sundalo ang dineploy sa nasabing mga piitan upang mabawi ang kontrol at kumpiskahin ang mga armas at iba pang iligal na bagay kasunod ng riot na sumiklab noong araw ng linggo sa pagitan ng magkaribal na gangs sa Guayas 1 prison sa port city ng Guayaquil na mayroong mahigit 5,600 na mga bilanggo.
Ayon sa prosecutor’s office, nasa 11 katao ang nasugatan sa nasabing riot kung saan isa sa mga nasugatan ay miyembro ng security forces.
Inihayag naman ng gobyerno ng Ecuador na ganap na nilang nabawi ang kontrol at kaayusan sa nasabing piitan.
Una rito, ang mga riot sa pagitan ng magkaribal na grupo sa mga piitan ng Ecuador ay kumitil na ng 420 na buhay simula pa noong 2021.
Noong Lunes, sinabi din ng mga awtoridad na ang mga preso sa 13 pasilidad ay nasa hunge strike at dose-dosenang guards ang hinostage sa mga piitan sa 5 probinsiya ng Ecuador.