-- Advertisements --
image 301

Naitala ng Philippine Economic Zone Authority(PEZA) ang pagbaba ng bilang ng ecozones employment simula Enero hanggang nitong Agosto, 2023 kumpara sa nakalipas na taon.

Batay sa datus, nasa 1.78 million na ang naitala mula noong Enero hanggang nitong Agosto.

Mas mabbaa ito kumpara sa 1.8 million na naitala noong 2022, sa kaparehong panahon.

Gayonpaman, naniniwala pa rin ang PEZA na patuloy ang paglago ng ibat ibang sektor na nasa ilalim nito, lalo na ang industriya ng Semiconductor at Information technology, na inaasahang lalago ng 9% at 5% batay sa pagkakasunod.

Batay pa sa datus, nagawa na ng PEZA na maaprubahan ang maraming mga proyekto sa ilalim nito.

Kinabibilangan ito ng 78 ecozone export projects; 36 ecozone information technology projects; 20 ecozone facilities; 13 ecozone development, 15 ecozone logistics; five ecozone domestics market-oriented projects and two ecozone utilities.